Bayang Barrios – Guro lyrics

Album: Harinawa

Alas kwatro ng umaga ay gising ka na
Habang ang mundo tulad ng iba ay tahimik na
Alam mong sa puso mo'y maraming naghihintay
Kapag sumikat na ang araw ay nariyan ka na, Guro
Pagod ay nawawala sa yong mga mata
Makita mo lang na kaming lahat ay masaya
Sa mga munting labi may ngiti ng pag-asa
Dahil sa iyo, kami ay namulat sa buhay, Guro

Guro, Guro, itinuro mo ang ganda ng buhay
Sa aking kamalayan, ikaw ang tunay kong gabay
Sa buhay, na makulay, Guro..

Ngayon ay nakita mo ang bubga ng iyong tagumpay
Silang dati paslit na inakay mong mangarap
Salamat sa lahat ng naidulot Mo
Nariyan ka lang, nariyan ka pa rin o aking Guro

Submitted by Guest